top of page
HA-YA
Screen Shot 2018-10-23 at 6.12.33 PM.png

Natuklasan na ang mga lokal na kumpanya sa Pilipinas ay nahihirapang magtagumpay sa negosyo, dahil sa kolonyal na mentalidad. Ang Ha-ya ay isang kampanya na may isang layunin: paunlarin ang mga lokal na negosyo, at tumutulong din sa ekonomiya at sa pagkakakilanlan ng mga Filipino.

Kaalaman at Karunungan para sa Kapos-palad
Screen Shot 2018-10-23 at 12.50.31 AM.pn

Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan dito sa mundo. Dahil dito, ang kampanya ng mga mananaliksik ay ukol sa edukasyon para sa lahat, maging mga mayayaman o mahihirap.

SAUNLAD NG SARIBUHAY
Screen Shot 2018-10-23 at 1.31.11 AM.png

Sa paglipas ng panahon, tumataas ang konsentrasyon ng polusyon ng hangin sa bansang Pilipinas. Ang aming layunin ay ang pagpapalaganap at pagsasagawa ng “green roofs” sa bansa nang sa gayon ay mabawasan ang “carbon dioxide” sa hangin upang mapaunlad ang pangangalaga sa kalikasan at ang pagsalba ng napakaraming buhay.

pagkalingaLABAN SA 
PLASTIC
Screen Shot 2018-10-24 at 5.23.45 PM.png

Naging masyadong depende ang mga tao sa paggamit ng plastik sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang labis na paggamit ng plastik ay isa sa pinakamalubhang problema sa buong mundo. Kailangang bawasan ang paggamit ng plastik dahil ito ay may napakaraming negatibong epekto sa lahat.

PAGHADLANG SA PAGPAPAHIYA SA KATAWAN
Screen Shot 2018-10-23 at 12.48.41 AM.pn

Layunin ng kampanyang ito na ibahagi ang kamalayan sa kasalukuyang isyu ng diskriminasyon sa katawan. Layunin din nito na lutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng positibong mga aksyon at impluwensya sa pagtanggap ng kaisipan sa iba.

MGA KULAY NG BAHAGHARI
Screen Shot 2018-10-24 at 10.18.17 PM.pn

Ang pangunahing layunin ng kampanya namin ay ang pagbibigay respeto at pag-unawa sa mga miyembro ng komunidad ng LGBTQ+ sa internet at social media. Nais naming bigyang diin at ipaalam  sa lahat ang mga pinagdadadaanan ng komunidad na ito.

KAAMOGOHAN
Screen Shot 2018-10-24 at 9.46.39 PM.png

Ang kampanyang ito ay para sa mga Lumad na nagdudurusa dahil sa gobyerno ng ating bansa. Ninanais ng kampanyang ito na makatulong sa mga Lumad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kamalayan tungkol sa tunay na kalagayan ng mga katutubong ito at makapangalap ng mga materyal na donasyon para sa kanila.

HANGAD: KINABUKASAN PARA SA KABATAAN
Screen Shot 2018-10-24 at 10.07.59 PM.pn

Karapatan ng bawat bata mula sa lahat ng antas sa lipunan na mabigyan ng pagkakataon upang gawin realidad ang kanilang mga hangad. Sila ay ang kinabukasan, at ang kanilang edukasyon ay ang magsisimula ng ating kaunlaran bilang bansang Pilipinas.

katarungan para sa bilanggo
Screen Shot 2018-10-23 at 1.05.38 AM.png

Layunin ng kampanyang ito na ipagtanggol ang mga karapatang pantao ng mga bilanggo. Bagama’t sila’y nagkasala, hindi ito dahilan upang pagkaitan sila ng gobyerno ng kanilang mga karapatan.

himlayan
Screen Shot 2018-10-24 at 9.48.58 PM.png

Ang Himlayan, na nangangahulugang isang lugar ng pahinga sa Filipino, ay isang pagtataguyod na naglalayong maipalaganap ang kamalayan sa isyu ng kahirapan na nakikita sa kabataang Pilipino ngayon. Upang ito’y makamit, gusto naming pukawin ang aming kabataan upang kumilos sa isyung ito sa pamamagitan ng aming mga iminungkahing solusyon.

WHITEWASHING SA MIDYA
Screen Shot 2018-10-24 at 6.02.07 PM.png

Sa kasalukuyang panahon, makikita sa buong mundo ang isyung kasanayan ng pag-whitewash kung saan mas tanggap sa medya ang mga puti o mga taong nanggagaling sa kanlurang parte ng mundo kaysa sa mga POC (people of color). Ang pangunahing layunin namin ay ang pagtigil ng dito at pagbibigay oportunidad sa lahat ng lahi, lalo na ang mga POC at hindi lang ang mga puti.

IBANG INFOGRAPHIC

HERNANDEZ_11C_Pikto.png
Screen Shot 2018-10-25 at 7.39.09 AM.png

©2018 Ibalik Ang Kayumanggi. Nilikha nina Iya Fernandez, Pie Gonzaga at Katrina Hernandez

bottom of page